MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na posible pa ring wakasan ang nepotismo at korapsyon sa pulitika sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Sa kanyang pahayag noong Miyerkules, hinimok ni Pangilinan ang publiko na alalahanin kung paano naibalik ang demokrasya at mga institusyon dahil sa pagkakaisa ng mamamayan.
“What once seemed impossible becomes possible through the collective action of various sectors working for the common good. The impossible became possible in EDSA 40 years ago, when the 20-year one-man rule ended and returned the institutions of democracy like the Senate and free press,” ani Pangilinan.
Nagpahayag din siya ng pag-asa na magpapatuloy ang mga benepisyo ng demokrasya, kabilang ang pagtaas ng kita ng mga magsasaka at mangingisda, pagbaba ng presyo ng pagkain, at pananagutan ng mga smugglers at corrupt officials.
“Ending nepotism in politics will, likewise, become possible, and the corrupt will be held to account and will be put in jail,” dagdag niya.
Binigyang-diin ni Pangilinan na ang mga reporma ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng mamamayan.
“The impossible will once again become possible through the collective action of various sectors, for the sake of the least and the most vulnerable,” ani Pangilinan.
Nagtipon din ang iba’t ibang civil society groups tulad ng Tindig Pilipinas, Akbayan Partylist, at People Power Volunteers for Reform sa EDSA Shrine bilang bahagi ng paggunita sa anibersaryo. RNT