Home NATIONWIDE Alamin: #WalangPasok sa korte sa NCR, iba pa

Alamin: #WalangPasok sa korte sa NCR, iba pa

Sinuspinde ng Korte Suprema ang trabaho sa lahat ng korte sa National Capital Region ngayong sa Biyernes, Setyembre 1 dahil sa masamang panahon.

Alinsunod ito sa inilabas na Memorandum Circular No. 3ng Office of the President na nagkansela ng mga klase sa lahat ng antas sa parehong pribado at pampublikong paaralan at trabaho ng gobyerno sa NCR.

Samantala, sinuspinde rin ng mga sumusunod na korte ang trabaho:

-Antipolo City Regional Trial Court at Municipal Trial Court sa mga Lungsod
-Cainta at Taytay Municipal Trial Courts
-Ang Philippine Mediation Center

Nauna nang sinabi ng PAGASA na napanatili ng Severe Tropical Storm Hanna ang lakas nito at patuloy na magpapalakas ng Southwest Monsoon.

Bukod kay Hanna, dalawa pang tropical cyclones — Typhoon Saola (dating Goring) at Severe Tropical Storm Kirogi — ang nagpapataas din ng Southwest Monsoon, sabi ng PAGASA. RNT