Home SPORTS Alas haharap kontra Kazakhstan sa semis

Alas haharap kontra Kazakhstan sa semis

Winalis ng Alas Pilipinas ang Chinese Taipei sa loob ng three sets, 25-13, 25-21, 25-18, para selyuhan ang nangungunang puwesto ng Pool A sa AVC Challenge Cup for Women noong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum.

Dahil sa panalo kontra Chinese Taipei,  pasok na sa semis ang Pilipinas sa AVC Cup at nakatakdang harapin ngayong Martes ang Kazakhstan.

Nakumpleto ng Philippine national volleyball team ang isang sweep ng kanilang mga laban sa grupo na kinabibilangan ng mga panalo laban sa Australia, India, Iran at sa Chinese Taipei.

Nanguna ang Pilipinas sa 4-7 bago nangyari ang 7-0 run na nagbigay sa nationals ng 10 puntos na abante bago tuluyang nasungkit ang ikaapat na panalo nito sa torneo.

Si Eya Laure ay may 15 puntos mula sa 12 atake, dalawang aces, at isang block, habang nagdagdag si Vanie Gandler ng 12 puntos para sa Alas Plipinas.

Makakasama ng Australia ang Alas sa semifinals bilang pangalawang pinakamahusay na koponan sa grupo na may tatlong panalo at isang talo.

Makakalaban naman ng Australia ang Vietnam.JC