Home NATIONWIDE Albayalde handa sa posibleng arrest warrant ng ICC

Albayalde handa sa posibleng arrest warrant ng ICC

MANILA, Philippines – Naghahanda na si dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde sa posibilidad na maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.

“Well, hintayin na lang po natin dahil lahat naman po ‘yan ay pawang speculation as of this time,” ani Albayalde sa panayam sa radyo.

“Although, tayo ay nagpe-prepare naman diyan. Lahat ng legal means puwede naman nating i-exhaust ‘yan. But at the end of the day, desisyon pa rin po ng gobyerno ‘yan,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung haharapin niya ang posiblen kaso sa ICC, sinabi ni Albayalde na gagawin niya ito kung ito ang desisyon ng pamahalaan.

“Kung ‘yun po talaga ang utos ng ating gobyerno. Nakita po natin no less than the [former] president, ganun ang nangyari. Ano pa ba ang mangyayari na we are just ordinary citizens,” aniya.

Si Albayalde ay nagsilbing PNP chief sa panahon ni Duterte, at sinabing walang opisyal na utos na patayin ang mga suspek sa drug war.

“Wala kaming binigay na illegal order sa amin. Kung may naririnig po ang mga taumbayan kay dating Pangulong Digong sa TV, wala po kaming binababa na ganiyang kautusan sa ating kapulisan dahil alam po natin that we are law enforcers,” aniya.

“Baka ho siya lang ‘yun. Palagi ko ring sinasabi whether directly or personal na sinabi ni [dating] Pangulong Digong ‘yan, wala po siyang utos din sa amin na ganiyan,” dagdag ng dating opisyal. RNT/JGC