MANILA, Philippines – Kinilala si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman bilang “Outstanding Filipina in the Field of Public Service” sa Gawad Pilipino Awards kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month.
Sa event, kinilala ang mga babae na nagbigay ng kontribusyon sa empowerment at equality sa iba’t ibang larangan.
Ito ay ginanap sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City nitong Linggo, Marso 16.
Ayon sa DBM, si Pangandaman ay pinarangalan sa “Natatanging Pilipina sa Larangan ng Lingkod Bayan” category.
Tinanggap ni DBM Undersecretary Goddes Hope Libiran ang award para kay Pangandaman.
“Sec. Mina takes pride in sharing her insights because, for her, uplifting others is what truly matters,” sinabi ni Libiran.
Sa mensaheng ipinadala kay Libiran, sinabi ni Pangandaman ang kahalagahan ng kontribusyon ng mga kababaihan sa pamamahala.
“In a world where women’s efforts are often overlooked, this award affirms our vital role in driving progress—whether in government, business, education, healthcare, or at home,” pahayag ni Pangandaman.
“This nomination is a reminder of that commitment, and I take it as a challenge to double—if not triple—my efforts in championing gender equality, making sure every Filipina has a voice, a platform, and a future where she can thrive,” pagtatapos nito. RNT/JGC