
Tacloban City – Kinilala ni Reelectionist Senator Francis ‘TOL’ Tolentino ang katatagan na ipinamalas ng mga taga Silangang Kabisayaan sa kanilang pagbangon mula sa pananalasa ng super typhoon Yolanda 12 taon na ang nakalilipas.
“Ang inyong tapang at pananampalataya ay inspirasyon sa lahat ng Pilipino,” inihayag ni Tolentino sa libo-libong dumalo sa campaign rally ng Alyansa sa Plaza Libertad.
