MANILA, Philippines – Kasabay sa ika-anim na anibersaryo ng pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute, hinimok ng human rights group kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumalik na sa International Criminal Court.
Matatandaan na noong Marso 17, 2018 ay kumalas si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Rome Statute, ang treaty na nagtatag sa ICC.
Ang withdrawal ay umipekto isang taon matapos nito.
“The Philippines should rejoin the ICC,” pahayag ni Karapatan secretary-general Cristina Palabay.
“Duterte’s self-serving decision to withdraw from the Rome Statute was an attempt to escape accountability in the face of the ICC’s initiation of investigations into the mass killings of drug suspects,” dagdag pa nito.
Iginiit ni Palabay na dapat pang palakasin ng bansa ang justice system nito.
“While we seek legal redress in international mechanisms such as the ICC, it is important that we strengthen our ranks to change the system that serves as the bedrock of impunity,” aniya.
“Duterte’s subsequent arrest and transfer to the ICC’s custody is the long overdue result of the people’s determined struggle for justice and accountability,” sinabi pa ni Palabay.
Sa ulat nh human rights watchdogs at ICC prosecutor, tinatayang nasa 12,000 hanggang 30,000 ang mga nasawi sa war on drugs ni Duterte mula 2016 hanggang 2019. RNT/JGC