Home HOME BANNER STORY Bato handang kupkupin ng Senado ‘until all legal remedies exhausted’ – Escudero

Bato handang kupkupin ng Senado ‘until all legal remedies exhausted’ – Escudero

MANILA, Philippines – Kung mag-iisyu ng arrest warrant laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang International Criminal Court, maaari itong manatili sa Senado hanggang sa magawa ang lahat ng ‘legal remedies,’ ayon kay Senate President Francis Escudero nitong Lunes, Marso 17.

Ang pahayag na ito ni Escudero ay kasunod ng sinabi ni Dela Rosa na hihingi siya ng tulong mula sa Senado sa oras na maipalabas ang warrant of arrest na iiisyu laban sa kanya.

Sa pulong balitaan, tinukoy ni Escudero ang mga kaso ng ilang senador na nagtago sa Senado sa mga arrest warrant na inilalabas laban sa kanila.

“Ito’y ibat-ibang sitwasyong kinaharap ng Senado kung saan may kaso laban sa kanila at ang naging pasya ng Senado ay ito: Hindi nakabase sa batas pero nakabase sa tinatawag na institutional courtesy—hindi papayagan ng Senado [na] arestuhin ang sinomang miyembro niya sa loob ng Senado lalo na kung may sesyon,” ani Escudero.

“Ang isang sinabi ko sa kanya [One thing I told him], we will try to afford him every opportunity to avail of legal remedies that he is entitled to,” dagdag pa niya. RNT/JGC