Home ENTERTAINMENT Alden, kinilig sa standee ni Kathryn!

Alden, kinilig sa standee ni Kathryn!

Manila, Philippines- Even inanimate objects associated with Kathryn Bernardo give Alden Richards the shrills and thrills.

Trending sa social media ngayon ang isang video featuring Alden.

Kuha ‘yon over the weekend sa SM Megamall.

May scheduled event doon si Alden kaugnay ng endorsement niya sa isang brand.

On his way patungo sa event, may isang fan ang humarang sa kanyang daraanan.

May bitbit itong standee ni Kathryn.

Maagap na nakunan ng mga camera ang abot-tengang ngiti at reaksyon ni Alden na obyus na kilig na kilig sa gesture ng KathDen fan to think na life-size standee lang ‘yon ng aktres na balitang nililigawan niya.

Ang ganda-ganda raw kasi ng hatid na vibe ng eksenang ‘yon.

Wini-wish ng mga fans ni Kathryn ay kiligin din ang aktres pag humambalang sa kanyang daraanan ang life-size ding standee ni Alden.

Mas lalo raw napagtanto ng mga taong nakapaligid doon na kumbaga sa pagkain ay “panis” na si Daniel Padilla as far as Kathryn’s taste buds are concerned.

Lalo ring na-excite ang mga KathDen fans sa muling pagtatambal nina Kathryn at Alden sa sequel ng Hello Love Goodbye.

Balitang for the most part of the film ay kukunan ito sa Canada. Ronnie Carrasco IIi