Home METRO P2.3M shabu nasamsam sa Butuan

P2.3M shabu nasamsam sa Butuan

MANILA, Philippines – Arestado ang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng P2.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Butuan City.

Ayon kay Police Regional Office 13-Regional Public Information Office (PRO 13-RPIO) chief Police Major Jennifer S. Ometer, ang 43-anyos na suspek ay isang high-value individual na matagal nang minamanmanan ng mga operatiba.

Nakuha mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at drug paraphernalia. Nagkakahalaga ito ng halos P2.3 milyon.

Nagpapatuloy naman ang manhunt sa mga kasabwat ng suspek. RNT/JGC