Manila, Philippines – Umabot na sa palitan ng insulto ang mga respective fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
On one side, there are the KathNiel supporters; at sa isang banda naman ay ang AlDub nation.
For obvious reasons, hindi bet ng KathNiel si Alden para sa aktres as they’re still rooting for Daniel Padilla kahit alam na sa buong mundo na nagwakas na ang kanilang 11-year relationship.
On the other hand, hindi rin bet ng AlDub si Kathryn for Alden dahil nag-iilusyon pa rin ang mga ito na nababagay ang aktor kay Maine Mendoza.
In the process, ang lumalabas na kawawa sa bardagulan ng dalawang grupo ng mga faney ay sina Kathryn at Alden.
It appears that between Kathryn and Alden ay mas dehado ang aktor sa mga banat ng mga ito.
Ang lumalabas na masama tuloy ay si Kathryn without even her intention.
In particular, ginawan nila ng isyu ang pa-house blessing ni Kathryn.
Kesyo pinagmukha raw waiter ng aktres si Alden by letting him serve drinks sa mga bisita.
Pinagmukha rin daw ni Kathryn na alalay si Alden na tagahawak ng kanyang mini fan while entertaining her guests.
Hindi man lang naisip ng mga gumagawa ng ganitong isyu na ginusto naman ni Alden ang kanyang ginagawa.
Alden never felt he was made a waiter or an assistant.
Siyempre nga naman, tulong na rin daw ‘yon kay Kathryn sa pag-estima ng kanyang mga bisita, so bakit kailangang mabahiran ng kulay?
The least the KathNiel and AlDub fans can do is to give both Kathryn and Alden a break! Ronnie Carrasco IIi