Home HOME BANNER STORY Alert Level 2 sa Bulkang Taal, ibinabala!

Alert Level 2 sa Bulkang Taal, ibinabala!

MANILA, Philippines – Ibinabala ng mga state seismologist nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 2, ang patuloy subalit mahinang aktibidad na nangyayari sa Bulkang Taal.

Sa isang advisory na inilabas noong Biyernes, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na medyo “mahina ngunit tuloy-tuloy” na pagyanig ng bulkan ang naitala ng hindi bababa sa labinlimang seismic station ng Taal Volcano Network simula 6:52 a.m. noong Biyernes.

“Ang kaganapan ay sinamahan ng pagtaas ng mga thermal anomaly sa hilagang bahagi at pagtaas ng mga likido ng bulkan sa Taal Main Crater,” anang Phivolcs.

Bukod pa rito, sinabi ng Phivolcs na naobserbahan din nila ang pagtaas ng sulfur dioxide (SO2) emission ng bulkan sa nakalipas na dalawang linggo na may average na hindi bababa sa 5,360 tonelada bawat araw.

Pinananatili ang alert level 1 sa Taal, ngunit sinabi ng mga state seismologist kung lumala ang kasalukuyang aktibidad sa mababang antas o naobserbahan ang mga pagbabago sa mga sinusubaybayang parameter, maaari itong itaas sa Alert Level 2.

Sa ilalim ng Alert Level 1, ang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, at minor ashfall ay posibleng magbanta sa mga lugar sa loob ng Taal Volcano Island (TVI). RNT

Previous article4.2M Pinoy nagutom sa bungad ng 2023
Next articleTeves nag-apply ng citizenship, political asylum sa Timor-Leste