Home SPORTS Alex Eala sasagupa kay Tomova sa Madrid Open

Alex Eala sasagupa kay Tomova sa Madrid Open

Determinado si Filipina tennis star  Alex Eala na makahataw sa 2025 Madrid Open, kung saan siya ay nabigyan ng wildcard entry sa prestihiyosong WTA1000 tournament.

Sa unang round, makakaharap niya ang bihasang si Viktoriya Tomova ng Bulgaria, na kasalukuyang World No. 64.

Ang laban kontra kay Tomova ay importante para kay Eala, na ngayon ay nasa ika-72 na ranggo sa buong mundo.

Kapag nanaig siya sa unang round, magkakaroon siya ng pagkakataong harapin ang reigning Madrid Open champion at World No. 2 na si Iga Swiatek sa ikalawang round, na may bye sa first round bilang isa sa top seeds.

Minsan nang tinalo ni Eala si Swiatek sa quarterfinals ng Miami Open, na naging pinakamatingkad na tagumpay ng batang Pinay sa kanyang career at nagbukas ng pinto sa kanyang pagpasok sa Top 100 ng WTA.

Bukod kina Tomova at Swiatek, nasa iisang bracket din ng torneo ang ilang mga kilalang pangalan tulad nina Madison Keys (No. 5 seed) — na tinalo rin ni Eala sa Miami Open third round — Emma Navarro (No. 11), Diana Shnaider (No. 13), at Jelena Ostapenko, isang dating Grand Slam champion na pinabagsak din ni Eala sa second round ng Miami Open.GP