Mania, Philippines – Criminal complaint ang isinampa ni QC Councilor Alfred Vargas at misis niyang si Yasmine laban sa mga magulang ng menor de edad na nam-bully sa kanilang anak.
Nasa Office of the City Prosecutor sa Maynila ang kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ayon sa post ng celebrity couple sa Instagram, ilang beses umanong itinulak at nilubog ang kanilang anak ng nasabing bata sa kanilang swimming sessions.
Bigo din ang mga magulang ng bata na pigilan ang kanilang anak para itigil ang gawain.
Ayon pa kay Alfred, may ginawa pa raw ang bully sa kanilang anak na ikinasakit nang labis ng kanilang kalooban.
Partikular daw kasing kinadyot ng bully ang kanilang anak sa paraang malaswa.
“Noong nakita ng misis ko at sinabi sa nanay, tinatawanan pa ng nanay at sinabing: ‘He’s just dancing!”” giit ni Alfred.
Bale ba, sa tuwing pumupunta daw sina Alfred at Yasmine sa mga magulang ng bully para ayusin ang problema: “We were either dismissed or gaslighted.”
Umabot na daw sa tipping point nang maganap ang insidente sa isang swimming competition sa Rizal Memorial Sports Complex nitong February.
Ito’y kung saan muling nasaksihan ang pagtulak ng bully sa kanilang anak sa warm-up area, na muntik ikasakit ng huli.
Dagdag pa ng Vargas couple, tumatawa pa daw ang dalawang kaibigan ng bully causing their child fear and emotional distress.
Nagsawalang-bahala daw uli ang ina ng bully, na patuloy pa ang online post ng “misrepresented content.”
Saad ni Alfred, hindi daw nagabayan nang tama ng magulang ang bully na anak–dahilan para maulit ang pangyayari.
“Bullying is not normal. It is not harmless. It is not acceptable…hindi tayo puwedeng manatiling tahimik.
“This is where it stops!”
Inaalam pa kung may pananagutan din ang swimming trainor ng mga bata. Ronnie Carrasco III