Home ENTERTAINMENT Ali, ‘rumesbak’ kay Cristine!

Ali, ‘rumesbak’ kay Cristine!

Manila, Philippines – Obyus na isinasabuhay ni Ali Khatibi ang Biblical passage na: “An eye for an eye, a tooth for a tooth.”

Si Ali ang estranged husband ni Cristine Reyes, ama ng nag-iisa nilang anak.

Buong ningning kasing ipinost ni Ali sa kanyang Instagram account ang larawan nila ng kanyang nobya.

Nakilala ito bilang si Dona Balmadrid.

Nilakipan pa ito ni Ali ng caption na: “Couple’s tattoos.”

Pinusuan ng ilang netizens ang kartada ni Dona to the point of comparing her to Cristine.

Ayon sa mga ito, mas bata, sexy at flawless daw si Dona kumpara kay Cristine.

To the rescue naman ang mga supporters ni Crisrine sa pagsasabing mas bata lang daw ang Chinese-looking na si Dona.

Nakakaangat pa rin daw si Cristine dahil sa kabila ng pagkakaroon niya ng anak ay napapanatili nito ang kanyang magandang pangangatawan.

Lumalabas na sinadya raw na ipost ‘yon ni Ali para ipamukha kay Cristine ang babaeng ipinalit nito sa kanya.

Wari’y ang habol daw ni Ali ay makaramdam ng insecurity si Cristine.

Again, hindi ito pinalampas ng mga nagmamalasakit kay Cristine.

Anila, kung meron daw dapat ma-insecure ay si Ali ‘yon.

‘Di hamak naman daw kasi na ubod nang guwapo ang nobyo ni Cristine na si Marco Gumabao.

Bale ba, tanggap ni Marco na may anak na ang kanyang nobya.

Ano’ng dahilan daw para ma-insecure si Cristine gayong may anak din naman daw si Ali sa una nitong nakarelasyon na nasa Amerika na?

Besides, ‘yun daw ba ang tipo ng lalaking panghihinayangan ni Cristine, na hindi man lang nagsusustento sa anak ng dating karelasyon?

Kung tutuusin, ‘yung couple’s tattoos na pinagyayabang ni Ali sa Instagram will fade over time, pero ang atraso nito sa mga dating karelasyon ay hindi.

Naisip din daw ba ‘yon ni Dona Balmadrid? Ronnie Carrasco III