Home NATIONWIDE Specialty justice zone inilunsad sa Tagaytay ng SC

Specialty justice zone inilunsad sa Tagaytay ng SC

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Supreme Court ang “Specialty Justice Zone” sa Tagaytay City na tututok sa economic development at tourism o “eco-tourism.”

Ang Tagaytay City Justice Zone ay ika-labing isa nang Justice Zone na inilunsad sa bansa, at ika-apat sa ilalim ng pamumuno ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Kataas-taasang Hukuman.

Sa talumpati, inihayag ni Associate Justice Filomena Singh na kung ang ekonomiya ay uunlad, kailangang kasabay nito ang “rule of law.”

Maisasakatuparan aniya ito kung mayroong episyente, tumutugon at “real-time” na paghahatid ng hustisya.

Ayon sa Korte Suprema, ang pagtatayo ng Justice Zones ay isa sa mga pangunahing proyekto ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC.

Layunin nito na magkaroon ng mabilis at patas na pag-usad at pagpapatupad ng criminal justice system sa ating bansa.

Hangad din nito na lalo pang mapalakas ang koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng Korte Suprema, Department of Justice, at Department of the Interior and Local Government. Teresa Tavares

Previous articleLola nasagasaan ng van, todas
Next articleAli, ‘rumesbak’ kay Cristine!