Home NATIONWIDE Alice Guo, co-accused ni Quiboloy magsasama sa selda

Alice Guo, co-accused ni Quiboloy magsasama sa selda

MANILA, Philippines- Makakasama ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa detention cell ang isa sa co-accused ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy, base sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). 

Sinabi ni BJMP Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera nitong Linggo na inaasahang ililipat si Guo mula sa PNP custodial facility sa Camp Crame patungo sa Pasig City Jail Female Dormitory ngayong Lunes. 

“Handa na ‘yung paglalagyan niya, na-check na din ‘yung mga possibly niyang makasama at chineck na din ‘yung profiles sa ating risk assessment,” pahayag ni Bustinera sa isang panayam.

“Nagdagdag na din tayo ng karagdagang tao, security personnel. Pati preparations kung may a-attend-an siyang hearings sa mga susunod na araw, naka-standby lang naman kami,” dagdag niya.

Kinumpirma rin ni Bustinera na ididitene si Guo kasama ang isa sa co-accused ni Quiboloy, at iba pang detainees. 

“Kasi merong tatlong dinala [Quiboloy’s co-accused) 2 weeks ago. Pinaghiwa-hiwalay sila since tatlo lang din ang selda, may kasama siyang [Guo] isa,” anang opisyal.

“Walang any special preparation para sa space niya kasi lagi namin sinasabi na sumusunod lang kami sa korte at kung anong itsura nun, ‘yun na ‘yun, wala kaming magagawa,” patuloy niya.

Samantala, naghain si Atty. Nicole Jamilla, legal counsel ni Guo, ng urgent motion nitong Sabado sa Pasig Regional Trial Court (RTC) na inihihirit na manatili si Guo remain sa PNP custodial facility. 

Subalit, nakapaghanda na umano sila sakaling hindi aprubahan ang hiling ni Guo.

“Considering ‘yung high profile cases niya and maraming mga cases, maraming mga court, congress na hindi alam kung saan siya idedetain, so we are of the opinion na mas maganda na neutral ground which is dito sa custodial,” ani Jamilla. RNT/SA