Home NATIONWIDE Alkaldeng sinundan ni Guo pinatatawag ng Senado

Alkaldeng sinundan ni Guo pinatatawag ng Senado

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Martes ang pagpapalabas ng subpoena laban kay dating Bamban, Tarlac mayor Jose Antonio Feliciano at iba pa.

Si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang nagmungkahi ng pagpapalabas ng subpoena, na binanggit na tinanggihan ni Feliciano ang imbitasyon dahil sa isang prior commitment.

“According to our committee secretary, Mayor Feliciano declined the invitation because of a prior commitment, and I think that is totally uncceptable to me,” ani Estrada.

“I move that we issue a subpoena and if he didn’t honor the subpoena, issue a warrant of arrest agad,” dagdag pa ng senador.

Tinitingnan ng komite ang mga iligal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), kabilang ang raided facility sa bayan ng Bamban. Sinisiyasat ng panel ng Senado ang umano’y relasyon ng kahalili ni Feliciano, ang na-dismiss na alkalde na si Alice Guo, sa POGO enterprise. RNT