Home NATIONWIDE ‘All sector effort’ isinusulong ni Angara vs kakulangan ng mga klasrum

‘All sector effort’ isinusulong ni Angara vs kakulangan ng mga klasrum

258
0

MANILA, Philippines – ITINUTULAK ng Department of Education (DepEd) ang mas may kakayahang umangkop sa paggamit ng mas maraming ‘implementing actors’ sa School Building program nito, kabilang na ang iba’t ibang LGUs at private entities, sa 2025 National Expenditure Program (NEP).

Layon nito na bigyang pansin ang direksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isara ng mas mabilis ang ‘classroom gap’.

Sinabi ni Education Sec. Sonny Angara na ang local government units (LGUs), non-government organizations, at private partners ay dapat na gamitin bilang implementers o mga tagapagpatupad upang ang ay maaaring i-pares kasama ang mga right builders—partikular na sa mga far-flung at disaster-prone areas kung saan ang mga silid-aralan ay mas kinakailangan.

“Nagpasok tayo ng Special Provision on flexibility sa 2026 NEP. Dahil madalas ring tumutugon ang DPWH sa mga kalamidad, nais nating bumuo ng pool ng mas maraming implementing actors upang matiyak na magpapatuloy ang mga proyekto nang walang aberya,” ang sinabi ng Kalihim.

Sa ilalim ng kasalukuyang setup, naglaan ang DepEd ng pondo habang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagtayo ng istraktura.

Binigyang diin ni Angara na ang arrangement na ito ay dapat na hindi lamang opsyon. Maaari aniyang gamitin ng LGUs ang Special Education Fund (SEF) nito, habang maaari namang makapag-ambag ang pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).

“Kailangan nating buksan ang pinto para makasali ang LGU, NGO, at iba pang handang tumulong para mapabilis ang pagpapatayo. Ang mahalaga, kung saan may pondo, dapat may marunong at mabilis na tagapagpatayo,” ang winika ni Angara.

Ang paliwanag pa ni Angara, ang pagresolba sa classroom backlog ay hindi lamang isang usapin ng “building more, but building smarter.”

Lumikha ang departamento ng isang classroom master plan na gumagamit ng school-level data, demographic trends, at site assessments’ para tukuyin ang agarang pangangailangan. Ang Programming at budgeting ay sumusunod sa ilalim Basic Education Facilities Fund at Quick Response Fund.

Sa oras na ang pondo ay naisaayos na, ang mga implementers ay maaari ng magsagawa ng konstruksyon. Ang mga DepEd engineers ang magmo-monitor ng progreso sa ground, gamit ang inter-agency validation upang matiyak ang kalidad at transparency.

“DepEd is also adopting flood-resilient and stilted designs so learning can continue even in schools hit by seasonal floods or strong typhoons. Flood-resilient structures will have open ground floors for classrooms or multipurpose halls during dry months, and elevated upper floors that remain usable when water levels rise. In coastal and typhoon-prone areas such as the Bicol Region, classrooms will be built on stilts, with reinforced, waterproofed concrete roofing to withstand extreme winds,” ang sinabi ni Angara.

Maliban sa nagpapatuloy na mga proyekto, suportado ng DepEd ang panukalang Classroom Building Acceleration Program (CAP) sa ilalim ng Senate Bill No. 121. Inirekumenda ng departamento na ang batas ay maaaring naka-angkla sa national classroom master plan, clear role-sharing sa pagitan ng national agencies, LGUs, at private partners, puntirya ang pagbibigay-prayoridad sa itinuturing na high-need areas, at sentralisadong monitoring system para sa lahat ng school building efforts.

“DepEd is also updating its national classroom master plan using demographic projections, a prioritization index, and school-level data. It is consolidating LGU and public-private partnership projects into a central database and seeking 2026 budget provisions to allow more flexibility in assigning implementers,” ang sinabi pa rin ni Angara.

“Kung gusto nating walang batang maiiwan, kailangan kumilos tayong lahat—mula national hanggang lokal, mula gobyerno hanggang pribadong sektor. Sama-sama nating dapat tiyakin na may silid-aralan ang bawat bata, kahit nasa bundok, isla, o baybayin na binabaha,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here