Home NATIONWIDE Pag-alis sa Buluan at Datu Odin sa Comelec control, irerekomenda ng poll...

Pag-alis sa Buluan at Datu Odin sa Comelec control, irerekomenda ng poll body

259
0

MANILA, Philippines – Irerekomenda ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-alis ng kontrol nito sa Buluan, Maguindanao del Sur at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte para sa 2025 Bangsamoro Parliamentary elections, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Inihayag ito ni Garcia sa pagsisimula ng election period at pagpapatupad ng gun ban para sa kauna-unahang parliamentary polls ngayong Huwebes, Agosto 14, 2025 hanggang Oktubre 28, 2025.

Matatandaan na inilagay sa Comelec control ang Buluan at Datu Odin Sinsuat sa gitna ng pagtaas ng insidente ng election-related violence sa lugar bago ang nagdaang May elections.

Sa ilalim ng Comelec control, magkakaroon ang poll body ng agaran at direktang kontrol at pangangasiwa sa mga pambansa at lokal na opisyal at empleyado.

Magkakaroon din ito ng ganap na kontrol at pangangasiwa sa lahat ng pambansa at lokal na ahensyang nagpapatupad ng batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here