Home ENTERTAINMENT Allen at Carmina, pagsasamahin!

Allen at Carmina, pagsasamahin!

Manila, Philippines- Muli na namang magiging aktibo sa paggawa ng pelikula ang tinaguriang “Queen of Maindie Films” na si Ms. Baby Go.

Katunayan, marami raw balak ang kanyang kumpanya sa pagpro-prodyus ng iba’t-ibang klaseng de-kalidad na mga pelikula.

“May mga naka-lineup na kaming projects. Nakapag-meeting na din kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year,” aniya.

Open din daw siya sa pakikipag-collaborate sa ibang produksyon.

Ibinalita rin ng BG Productions executive producer ang collaboration nila ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para sa pelikulang “One Dinner A Week” na pagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Barbara Milano, mula sa direksyon ni Lester Dimaranan.

Aniya, bet din daw niyang pagsamahin sa isang proyekto ang multi-award winning actor na si Allen Dizon at Carmina Villaroel.

Wish din daw niyang gumawa ng proyekto para sa kontrobersyal na couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Magandang balita rin dahil ang kanyang film outfit ay magkakaroon ng sister company na magpopokus naman sa paggawa ng mainstream films.

Ito ay ayon mismo sa supervising producer na si Dennis Evangelista.

Kamakailan ay nag-celebrate si Ms. Baby Go ng kanyang kaarawan na dinaluhan ng kanyang mga kakilala at kaibigan sa Fil-Chinese community, sa entertainment industry at sa kanyang humanitarian organizations. Archie Liao