Home METRO P25M ismagel na yosi, maritime assets kumpiskado ng BOC

P25M ismagel na yosi, maritime assets kumpiskado ng BOC

MANILA, Philippines- Tinatayang  nasa P25 milyong halaga ng mga ismagel na sigarilyo ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao sa isinagawang serye ng mga operasyon, iniulat kahapon.

Ayon sa BOC, dalawang joint operation ang isinagawa noong Enero 6 at 10, 2024, sa Sultan Kudarat at Brgy. Ned, Lake Sebu. Sa Sultan Kudarat, naharang ng mga awtoridad ang 14,000 reams ng samu’t saring smuggled na sigarilyo, na nagkakahalaga ng P7,000,000, kasama ang isang motorized banca na may markang “MB Al-Amanah,” na tinatayang nagkakahalaga ng P700,000. Habang sa Brgy. Ned, Lake Sebu naman ay nasamsam ng mga awtoridad ang 215 ream ng iba’t ibang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P107,000.

Bukod dito, ang naunang operasyon sa Sultan Kudarat na naganap noong Disyembre 3, 2023, ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 22,700 reams ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P17,025,000, gayundin ang isang motorized banca na may markang “M/B Queen Johara” na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000.

Ang mga indibidwal na sangkot ay dumaan sa inquest proceedings, habang ang mga nasamsam na bagay ay nakaimbak habang nakabinbin ang mga paglilitis sa seizure at forfeiture nito. JAY Reyes

Previous articleAllen at Carmina, pagsasamahin!
Next articleKanong pedophile hinarang sa NAIA