Home NATIONWIDE Alternatibong work set-up, tutugon sa mas maraming trabaho – solon

Alternatibong work set-up, tutugon sa mas maraming trabaho – solon

Pinangunahan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout sa 800 beneficiaries sa Sta. Rosa, Laguna ngayong Martes, October 3, 2023. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Senador Joel Villanueva, ang kahalagahan ng alternatibong work setup upang mkalikha ng mas maraming trabaho na pawang napapanahon at magpapagaan sa kalagayan ng manggagawa sa pagko-commute.

Ayon kay Villanueva, pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11165 o Telecommuting Act, na mapalakas ng altenatibong work set-up ang pagiging produktibo na lubhang nakaapektuhan ng matinding trapik na inaasahang lalo pang titindi dahil sa pag-overhaul sa Edsa ngayong taon.

Kamakailan, Inihayag ng administrasyong na isusulong ang alternatibong work arrangement upang matulungan na makamit ang employment target sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028 sa pamamagitan ng multi-faceted approach at matiyak ang isang epektibong labor market.

“We have been advocating for this since we pushed for the enactment of the Telecommuting Act, as this will benefit both employers and employees in sectors that can operate through remote operation,” ani Villanueva.

Ang Telecommuting Act, mas kilala bilang “Work-from-Home Law,” ay magbibigay ng framework o plano para sa telecommuting arrangements at inaatasan nito ang Department of Labor and Employment (DOLE) na kilalanin at irekomenda sa mga industriya, kabilang ang mga umuusbong o emerging industries, na maaaring mag-shift sa work-from-home setup.

“The Work-from-Home Law, as we call it, puts a system in place so we could open up opportunities to people who need jobs but are constrained from leaving their homes, such as parents who take care of the household, or are in the provinces who cannot relocate and leave their families behind to find work in Metro Manila,” saad ng senador.

Sa pag-aaral ng JICA noong 2018, mahigit sa P3.5 bilyon kada araw o P1.27 trilyon bawat taon ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa matinding pagsisikip ng trapiko.

Kung hindi masosolusyunan, inaasahang tataas ito sa P5.4 bilyon kada araw pagsapit ng taong 2035.

Hinimok din ni Villanueva ang DOLE na pag-aralan ang pagpapatupad ng iba pang alternatibong working arrangement na magsusulong ng work-life balance para sa mga manggagawa.

Ang hakbang na ito ay hindi lamang makakatulong para mas maging produktibo at maiangat ang kahusayan ng mga manggagawa kundi makakatulong din upang maiwasan ang matinding trapik na kumukonsumo ng panahon at pera.

“Let’s embrace the power of technology to redefine how and where we work,” ani Villanueva.

“Work from anywhere is now the name of the game, which means finding ways to empower our people to work in ways that boost their productivity, and override geographical boundaries,” pagtatapos niya. Ernie Reyes