MANILA, Philippines – Makalipas ang isang buwan sa pangangampanya, kumpiyansa si Alyansa Para sa Bagong Pilipinas campaign manager Navotas Rep Toby Tiangco sa nagiging takbo ng kanilang pangangampanya.
Sa isang press conference sa Tacloban City kung saan idinaos ang ika-9 na campaign rally ng Alyansa, sinabi ni Tiangco na masaya sila sa nagiging takbo ng kampanya.
Giit ni Tiangco, tiwala syang hawak nila ang “momentum” para sa nalalapit na midterm elections batay na rin mga lumalabas na elections survey kung saan pasok ang Alyansa senatorial bets sa Magic 12.
Sa mga nakaraang survey ay 8 hanggang 9 na senatorial bets ng Alyansa ang nakakapasok sa survey.
“Yan po ang maganda sa legitimate surveys, nakikita po natin kung ano’ng areas ang dapat na i-improve para mas gumanda po at mas marami sa ating mga kandidato ang makapasok doon sa Magic 12,” giit nito.
Aniya, sa nalalabing isang buwan pa na natitira sa campaign period tiniyak ni Tiangco na mas sisipagan pa nila.
“Nakaka-isang buwan na tayo, kaya napakagandang opportunity ito at itutuloy-tuloy lang namin dahil nakita naman nating maganda ang tinatakbo ng kampanya,” ani Tiangco.
Kung ano po ‘yung necessary adjustments, of course it’s not only up to me, I also consult our candidates kung ano sa tingin nila ‘yung mas mabuti para mas malaman ng ating mga kababayan ‘yung plataporma ng bawat kandidato,” dagdag pa nito.
Binubuo ang Alyansa ticket nina former Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Ramon Bong Revilla, Senator Pia Cayetano, dating Senator Panfilo “Ping” Lacson, Senator Lito Lapid, Senator Imee Marcos, dating Senator Manny Pacquiao, former Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis “Tol” Tolentino, ACT-CIS Partylist Re Erwin Tulfo at Deputy Speaker Camille Villar. Gail Mendoza