Home METRO ARTE Partylist suportado ng Bagong Baliwag Movement

ARTE Partylist suportado ng Bagong Baliwag Movement

MANILA, Philippines – Umani ng suporta ang ARTE Partylist mula kay Baliuag Mayor Lando Salvador at sa kanyang teammates sa Bagong Baliwag Movement sa siyudad ng pamosong Buntal hat ng lalawigan ng Bulacan.

Ikinalugod ang presensya nina Llyod Peter Lee, unang nominado ng ARTE partylist, ang asawa nito na si Architect Shamcey Supsup-Lee at Cathy S. Bariga, ikalawang nominado ng partylist nang dumalo sila sa asembliya sa Baliwag.

Dinaluhan ng halos 1,000 katao ang asembliya ng Bagong Baliwag Movement na ginanap sa Greenery Casino Resort Barangay Sabang, Baliuag, Bulacan, kamakalawa.

Mababatid na ang Lungsod ng Baliwag ay sikat sa paghabi ng sombrerong buntal, isang tradisyonal na pagkakayari gamit ang mga hibla mula sa buntal palm.

Ipinahayag ni Shamcey Lee, founder ng ARTE partylist, isinusulong ng partylist ang kapakanan ng Retail and Fashion, Textile and Tradition, Events, Entertainment, at ang Creative Sector.

Ipinagbubuklod ng ARTE partylist ang pampulitikang adhikain at isatinig ang “Boses ng Malikhaing Manggagawang Pilipino sa Kongreso”.

Sinabi ni Lloyd Lee na ipinaglalaban ng ARTE party ang kapakanan ng mga malikhaing Pilipino kabilang na mga maghahabi ng pamosong buntal hat.

Kaya igigiit ng partylist na maisabatas sa Kongreso na magbigayan ng access sa kapital na benepisyo, seguridad sa trabaho, at patas na kompensasyon sa kanilang serbisyo at produkto, anipa ni Lee.

Ang suportang tinamo ng ARTE partylist ay ipinahayag ni Mayor Salvador at teammate’s nito sa partido na sina Darylle Salvador, tumatakbong bise-alkalde; Maritesa Angeles; Roy Espiritu; Ely Epiritu; Larry Mangulabnan; Roland Mangulabnan; Ariel Portillo, Rey Trinidad; Erwin Valenzuela at Roselle Valerio pawang mga kandidato sa Konseho ng lungsod ng Baliwag. RNT