PANGASINAN- Swak sa kulungan ang isang 43-anyos na lalaki na si “Alyas Bungo” matapos na maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Dagupan City ng lungsod na ito kagabi.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay residente ng naturang bayan.
Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Tinatayang tumitimbang ng 5 gramo at nagkakahalaga ng P34,000.00 ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu mula sa naturang buy-bust operation.
Bukod sa mga hinihinalang shabu, may mga narekober din ang mga otoridad na mga drug-evidence mula sa suspek. Rolando S. Gamoso