MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Sherwin Meneses ang mga tsismis ng umano’y pag-alis niya bilang Creamline head coach.
Umikot ang mga pag-uusap sa buong social media mula noong pagtatapos ng 2025 AVC Women’s Champions League tungkol sa kinabukasan ni Meneses sa Cool Smashers.
Sa pagkatalo ng Creamline sa PVL Finals sa Petro Gazz na sinundan ng isang ikawalong puwesto sa AVC finish, umugong ang balita na dapat na pagbabago sa coaching at ihahalili ang team captain na si Alyssa Valdez bilang playing head coach.
Nilinaw ni Meneses na wala sa mga ito ang totoo. “Hindi naman siya totoo. Tsismis lang ‘yun,” ani Meneses. “Hindi ko alam kung ano ‘yung statement ng Rebisco du’n sa issue na ‘yun, pero issue lang ‘yun eh. Management naman masusunod diyan.”
Sa ngayon, nanatiling status quo ang sitwasyo sa Philippine volleyball’s winningest club.
Ayon naman sa insider, wala pang ganoong isyu sa ngayon sa Cool Smashers.
Sa katunayan, ang tanging nasa isip ng Creamline ay ang magpahinga at bumawi mula sa nakakapagod na anim na buwang kahabaan mula sa PVL hanggang sa AVC.
“Normal lang lahat. Bakasyon lang. ‘Yun lang iniisip namin na makapag-bakasyon,” ani Meneses.
Ang pinakahihintay na pahinga ay hindi na darating sa lalong madaling panahon sa pagpasok ng National U sa UAAP Season 87 women’s volleyball finals para sa ikaapat na sunod na taon.JC