Home METRO Ama himas-rehas sa panggagahasa sa anak

Ama himas-rehas sa panggagahasa sa anak

MANILA, Philippines- Arestado ang isang ama na ilang ulit ginahasa ang sariling anak na babae sa loob ng isang buwan noong 2024 sa Barangay Parang, Marikina City, nitong Martes.

Kinilala ng Eastern Police District (EPD) ang suspek na si “Dondon,” nakatala bilang No. 6 most wanted person (district level) sa Marikina. Nadakip siya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng acting presiding judge ng Family Court, Branch 7, ng Marikina City para sa apat na bilang ng qualified rape sa menor-de-edad.

Sinabi ng mga pulis na ilang ulit inabuso ng suspek ang sarili nitong anak mula August hanggang September 2024, dahilan upang isumbong na ito ng biktima sa mga awtoridad.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Marikina City Police ang suspek. RNT/SA