Home NATIONWIDE Procurement reforms sa DepEd paiigtingin ni Angara

Procurement reforms sa DepEd paiigtingin ni Angara

169
0

MANILA, Philippines- Nangako si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara a paiigtingin ang procurement reforms and at titiyakin ang integridad ng bidding process sa ahensya.

Inihayag ito ni Angara sa Suppliers’ Summit at Century Park Hotel sa Manila kung saan nasa 250 suppliers at service providers ang nagpulong upang talakayin ang pagpapahusay sa procurement process.

“Sa ating mga suppliers at bidders—hindi lang kayo negosyo. Kayo ay kaagapay po natin sa reporma. Wala nang dahilan para maantala. Green light na—para sa mas maayos na procurement, para sa dekalidad na edukasyon,” pahayag ni Angara sa press release.

Binigyang-diin din ni Angara ang kahalagahan ng procurement reforms sa pagpigil sa pagkaantala, pagpapahusay sa market responsiveness, at pagtiyak sa napapanahong paghahatid ng educational materials.

Matatandaang inilunsad ng ahensya ang Suppliers’ Registry, inisyatibang naglalayong direktang ikonekta ang suppliers at service providers. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here