LEGAZPI CITY- Arestado ang isang pulis sa buy-bust operation sa bayan ng Baao sa Camarines Sur nitong Biyernes ng gabi.
Sinabi ng Camarines Sur police sa ulat nitong Sabado na kinilala ang suspek na si Staff Sergeant Joe Vernon Cabaltera, 35, residente ng bayan at naka-assign sa Provincial Intelligence Unit.
Nadakip si Cabaltera sa Barangay San Francisco dakong alas-11:20 ng gabi.
Narekober ng mga awtoridad ang kabuuang 15 gramo ng shabu (crystal meth) na nagkakahalaga ng P102,000, isang Glock 17 gen 4 na may magazine na naglalaman ng 16 live bullets, anim na live bullets ng Caliber 45 at hand grenade.
Nahaharap ang suspek na tinukoy na high-value drug personality sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA