Home ENTERTAINMENT Eric, emosyunal sa pag-demolish ng Dolphy Theater!

Eric, emosyunal sa pag-demolish ng Dolphy Theater!

Manila, Philippines- Aware ang actor-director na si Eric Quizon na nakatakda nang i-demolish o gibain ang Dolphy Theatre.

Bahagi ‘yon ng gusali ng ABS-CBN.

Alam ng lahat that Dolphy Theatre housed inside the network compound was named after his dad, the late King of Comedy.

Natural na ikalungkot ni Eric ang demolisyon.

Feeling nga niya, huling tapak na niya roon nang idirek ang 38th Star Awards for TV ng PMPC.

Public knowledge na napakalaki ng impact o epekto ang ‘di pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Sa ilalim ‘yon ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nang hingan ng reaksyon si Eric tungkol dito’y obyus na ingat na ingat siyang magbitaw ng salita.

Kauna-unawa naman ang stand ni Eric.

Sa halip ay nakiusap siya na huwag na itong haluan ng pulitika.

Mas maganda raw na isantabi ang emosyon at manalanging maging payapa ang lahat.

Pero hindi itinanggi ni Eric na maiiyak daw siya kapag natuloy ang pagpapagiba sa Dolphy Theatre kung paanong ikalulungkot din ito ng mga naglingkod sa istasyon. Ronnie Carrasco III