Home METRO American national lumutang sa dagat

American national lumutang sa dagat

MOALBOAL CITY, Cebu- NAGPALUTANG-LUTANG nang matagpuan ang bangkay ng isang American natio­nal matapos malunod habang naliligo sa dagat sa Basdaku beach, nitong Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Edward Hickman Jr., 65, at taga Barangay Langtad, Naga.

Batay sa report ng Moalboal Municipal Police Station, bandang 6:00 AM nang matagpuan ang bangkay ng isang mangingisda ang biktima na nagpalutang-lutang sa naturang lugar.

Ayon kay P/Capt. Claudio Gako, hepe ng Moalboal Municipal Police Station, bandang 3:40 PM noong Sabado nawawala ang biktima matapos maligo sa Basdaku beach, Barangay Saavedra, ng naturang lungsod.

Kwento ng misis ng biktima na isang Pinay na si Mylene, lasing sa alak ang biktima nang maligo sa dagat hanggang sa hindi na ito nakauwi pa.

Isasailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng biktima para malaman kung walang foul play sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico