Home METRO Obrero patay sa onsehan sa droga

Obrero patay sa onsehan sa droga

MANILA, Philippines – Isang construction worker ang pinatay makaraang pagbabarilin dahil umano sa onsehan sa droga sa Brgy Emmanuel Bergadi 1, Dasmarinas City, Cavite

Ang biktima ay isang 27-anyos, lalaki na residente sa naturang lugar, habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Una dito, dakong alas-4:20 ng hapon ay tinawagan umano ng suspek ang biktima at napagkasunduan na magkikita sa Blk 17 Extension, Brgy Emmanuel Bergado 1, ng nasabing lugar.

Nang nagkaharap ang biktima at suspek sa nasabing lugar, ilang minuto lang ay kaagad pinaputukan ng suspek ng hindi nabatid na kalibre ng baril ang biktima na nagresulta sa pagkamatay nito.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pamamaril habang pinaghahanap naman ang suspek. Margie Bautista