Home NATIONWIDE Normal na temperatura sa NAIA, naibalik na – MIAA

Normal na temperatura sa NAIA, naibalik na – MIAA

MANILA, Philippines – Nanawagan muli ng pasensya ang pamunuan ng Manila International Airport sa mga pasahero dahil sa patuloy na nararanasang init sa Ninoy Aquino international Airport.

Ayon kay MIAA spokesperson Atty. Chris Bendijo, base sa update sa kanilang opisina ay kinailangan i-rewind ang ilang makina ng mga cooling towers dahilan kaya natatagalan at ngayong araw ay inaasahan naman na maibabalik o mai-install na ang mga nirewind na makina.

Paliwanag ni Bendijo, posibleng matapos ang pagkakabit ng mga bagong rewind na makina ngayong hapon at ilang oras matapos ito ay posible nang maranasan ang malamig na temperatura sa NAIA.

Maaalalang nitong weekend ay nagkaroon ng technical issue ang dalawa sa cooling towers ng NAIA na nagresulta sa mainit na temperatura sa loob ng paliparan. Dave Baluyot