MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa extreme northern Luzon, habang easterlies naman ang magdadala ng mga pag-ulan sa ilang lugar.
Ayon sa PAGASA, ngayong Linggo, Disyembre 21 ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang Cagayan at Isabela dahil sa shear line.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang inaasahan sa Visayas, MIMAROPA, the Bicol Region, Aurora, Quezon, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental dahil sa easterlies.
Maulap na kalangitan na may pag-ulan din ang aasahan sa Batanes dahil sa Amihan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC