Home NATIONWIDE Amihan, habagat magpapaulan sa bansa

Amihan, habagat magpapaulan sa bansa

MANILA, Philippines – Iniulat ng PAGASA na magdadala ng kaulapan at pag-ulan ang Amihan at easterlies sa ilang bahagi ng bansa ngayong huling Linggo ng Enero.

Magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Caraga, Davao Region, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa epekto ng easterlies. Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng katamtaman hanggang sa paminsang malalakas na ulan.

Samantala, ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang mahinang pag-ulan dahil sa Amihan. Walang inaasahang malaking epekto sa lugar na ito.

Ang natitirang bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies. Posible ring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa ang matitinding pagkulog-pagkidlat.

Moderate ang magiging kondisyon ng mga baybayin sa Hilaga at Gitnang Luzon, habang slight to moderate naman sa iba pang bahagi ng bansa. RNT