Home NATIONWIDE Amihan iiral sa buong bansaNATIONWIDETOP STORIES Amihan iiral sa buong bansaMarch 14, 2026 08:001890 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Mararanasan sa buong bansa ang Northeast Monsoon o Amihan ngayong Sabado, Marso 14.Dahil dito ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga mahihinang pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa.Magiging malakas din ang hangin sa Hilagang Luzon at eastern section ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.Katamtaman hanggang sa malakas na hangin naman ang iiral sa silangang bahagi ng Mindanao at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.Mahina hanggang sa katamtamang hangin ang iiral sa nalalabing bahagi ng Mindanao. RNT/JGC