Home NATIONWIDE Amihan, ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Amihan, ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Makakaapekto sa Hilagang Luzon ang northeast monsoon o amihan habang ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang iiral sa Mindanao ngayong Martes, Nobyembre 26.

Ayon sa PAGASA, ang Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.

Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa amihan.

Samantala, ang Ilocos Region ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil din sa amihan, habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil naman sa localized thunderstorms. RNT/JGC