Home HOME BANNER STORY Amihan lalakas, posibleng bagyong “Wilma” magdadala ng malamig na panahon, pag-ulan sa...

Amihan lalakas, posibleng bagyong “Wilma” magdadala ng malamig na panahon, pag-ulan sa Luzon, Visayas

342
0

MANILA, Philippines – Inaasahang lalakas ang Amihan sa Luzon ngayong linggo, at posible ring mabuo ang isang tropical cyclone.

Sa unang bahagi ng linggo, magiging malamig ang hilagang bahagi ng bansa dahil sa Amihan o northeast monsoon. Mula Miyerkules, lalakas pa ang Amihan at maaapektuhan ang buong Luzon.

Lunes at Martes, mainit at maalinsangan ang mararamdaman sa karamihan ng bansa, na may posibilidad ng pag-ulan o thunderstorms sa hapon.

Pagsapit ng Miyerkules, magdadala ang Amihan ng malamig na panahon sa matataas na bahagi ng Hilagang Luzon at katamtamang ulan sa Cordillera, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, at Bicol Region.

Sa Martes, ang namataang cloud cluster malapit sa Guam na maaaring maging low pressure area at pumasok sa Philippine Area of Responsibility ay maaaring maging bagyo at papangalanang “Wilma”.

Kung tuluyang maging bagyo, inaasahang aabot si Wilma sa tropical storm o severe tropical storm category, ngunit pahihinain ito ng Amihan at itutulak pa-timog.

Posibleng mag-landfall si Wilma sa Eastern Visayas–Bicol area mula Biyernes hanggang Linggo, tatawid ng Southern Luzon, at lalabas sa West Philippine Sea sa Linggo o Lunes.

Ang Shear Line ay kokonekta kay Wilma at lilipat sa silangang bahagi ng Luzon habang tumatawid ang bagyo.

Mula Huwebes o mas huli bahagi ng linggo, ang trough o mga ulap ng papalapit na bagyo ay magdadala ng kalat-kalat na ulan sa Bicol, Eastern Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao.

Inaasahan ang malalakas hanggang matitinding ulan — minsan ay torrential — sa Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, Samar, at Panay habang dumadaan si Wilma.

Posible rin ang matinding ulan mula sa shear line sa Cagayan Valley at silangang Central Luzon ngayong weekend.

Sa Metro Manila, magiging mainit at maalinsangan na may paminsang pag-ulan ngayonf Lunes at Martes; mas mainit at tuyo mula Miyerkules hanggang Biyernes. Sa weekend, inaasahan na ang malalakas na buhos ng ulan dahil kay Wilma.

Inaasahan ang malawakang pagbaha at landslides sa Southern Luzon, silangang bahagi ng Northern at Central Luzon, at ilang bahagi ng Visayas.

Di pa rin tiyak ang posibleng direksiyon at lakas ng bagyong ito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here