PURO porma lang ang Independent Commission for Infrastructure at si Ombudsman Boying Remulla kapag tungkol na kay Congressman Martin Romualdez kahit natuklasan ang nakalululang kayamanan ng dating House Speaker?
Alam ng lahat at open secret ang ilan sa mga ari-arian ni Romualdez. Nariyan ang dalawang bahay sa Amanpulo na nasa $24 million umano ang halaga—take note ha? DOLLARS! Meron din siyang kilalang 11 mansion sa Forbes base sa iba-ibang testimonya (3 Harvard St. sa North Forbes, 14 Narra St. sa South Forbes, 30 Tamarind Rd., at iba pa).
Meron din siyang ilang mansyon sa Spain, sa Soto Grande at Ibiza. Meron din siyang mahigit 2 ektaryang ari-arian sa Boston, at halos 5 ektaryang ari-arian sa Westchester County sa Connecticut. Nandyan din ang dalawang apartment sa Park Avenue sa New York. Nakalulula, lalo kung iisipin na pangarap lang ng karamihang Pilipino ang makatuntong sa Amerika at Europa.
Dapat ding suriin ang money trail mula sa kanyang banko na Philippine Veterans Bank (na illegally acquired sa pagbago niya ng charter nito matapos bilhin ang 49% interest noong 2023), pati na rin ang napakaraming cash deposits sa mga banko sa Dubai, at samu’t saring wealth fund managers na mayroon ang dating House leader.
At huwag ding kalimutan na nasangkot na si Romualdez sa kontrobersya sa Okada Resort & Casino. May nakabinbin pang bribery case laban sa kanya sa US. Meron ding Gulfstream jets si Romualdez na binili kay Lucio Tan. May 120 foot luxury yachts na nasa Subic at mahigit 60 luxury vehicles na nakaparada sa kanyang mga bahay.
Kahit sino, manlalaki ang mata sa rangya ng pamumuhay na ganito, lalo’t elected official ang may-ari. Mapaiiling ka na lang kapag nakita ang mga sira-sirang kalsada, tumitirik na tren, mataas na presyo ng bilihin, mataas na kuryente, at mga binabahang kalsada.
Kung iisipin, sapat na ang lahat ng circumstantial evidence upang “maibaon sa mga kaso” si Romualdez. Kaya lang ang nangyayari, ang kaso ay tinatangkang palabnawin ng ICI, Department of Public Works and Highways at maging ni Ombudsman Boying na ka-brod si Romualdez sa UP Upsilon Sigma Phi.
Kaya pala ang testimonya ni Sgt. Orly Guteza ang isa sa mga pinagbasehan ng reklamo laban kay Romualdez ay dahil hawak na niya ngayon ang dating sundalo at nakahanda nang bumaligtad. At isa ito sa kanyang magiging legal defense.






