Home NATIONWIDE Amihan magdudulot ng mahihinang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon

Amihan magdudulot ng mahihinang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang northeast monsoon o Amihan sa hilagang Luzon, ayon sa PAGASA.

Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa amihan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Ang Batanes at Babuyan Islands naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm din ang mararnasan sa Cagayan, Isabela, at Caraga dahil sa pinagsanib na epekto ng shear line at easterlies.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa pinagsanib na epekto ng easterlies at localized thunderstorms. RNT/JGC

Previous articleLizQuen, tahimik, 2022 pa nag-split!
Next article2 Pinoy binitay sa China sa drug trafficking – DFA