Home ENTERTAINMENT LizQuen, tahimik, 2022 pa nag-split!

LizQuen, tahimik, 2022 pa nag-split!

Manila, Philippines – Dahil mainit pa ring pinag-uusapan ang paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung kaya’t nabaling naman ang atensyon ng mga netizens sa tambalang LizQuen.

Ang LizQuen ay portmanteau o pinaghalong mga pangalan ni Liza Soberano at Enrique Gil na may palayaw na Quen.

Tanong tuloy ng mga netizens: ano na raw ba ang estado ng relasyon ng magkasintahan?

Are still a couple or no longer?

Sa mga sunud-sunod na showbiz separations ay maituturing daw na “hiwalayan season” ang 2023.

Nariyan ang unconfirmed reports tungkol sa tagilid na relasyon nina Sarah Lahbati at Richard Guttierez, Kim Chiu at Xian Lim, Janine Gutierrez at Paulo Avelino, among others.

Ang tanging nagkumpirma lang na break na sila ay sina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

And the last to have come forward ay ang KathNiel nitong November 30.

Back to LizQuen.

Hindi raw maaaring ibilang o isama ang kanilang real-life romance sa mga nagwakas sa matatapos nang taon.

Diumano, may “unreleased interview” kay Liza nitong March 2023 kung saan kinumpirma ng aktres na naghiwalay na sila ni Quen noong October 2022.

In short, mas nauna pa ang LizQuen to have separated kesa sa mga magkakarelasyon sa showbiz na nababalitang naghiwalay na.

Kung matatandaan, April this year nang matanong si Enrique kung ano na ang real score sa kanila ni Liza.

Repeatedly, ang sagot ng aktor ay: “We’re good…we’re good!”

Nagkikita pa rin daw sila once in a while, dangan nga lang at naka-focus daw si Liza sa kanyang career sa US.

All along pala’y sinasakyan lang ni Liza ang mga “palusot” ni Quen.

Napilitan umanong hindi ibunyag ni Liza na hiwalay na sila ni Enrique sa pakiusap ng ilang taong malapit sa kanya.

So there. Ronnie Carrasco III

Previous articleJason, inokray si Melai!
Next articleAmihan magdudulot ng mahihinang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon