Home ENTERTAINMENT Jason, inokray si Melai!

Jason, inokray si Melai!

Manila, Philippines – Kung hindi pa naman suwerteng matatawag ang pagkakaroon ni Melai Cantiveros ng international movie, we don’t know what is.

Bida kasi ang TV host-comedienne sa action drama na Ma’am Chief.

Produced by Pulp Studios, sa South Korea nag-shoot si Melai with the cameo support of Alora Sasam, Karylle and It’s Your Lucky Day co-host Jennica Garcia.

Nagpaka-stage husband naman si Jason Francisco na nag-anyaya sa kanyang social media account na panoorin ang “pinakamaingay na babae.”

“Kamsam!” post ni Jason na ikinaaliw ng mga netizens.

Anila, sinusuportahan nga ni Jason ang asawa, nilait naman!

Ma’am Chief follows the story of a police woman na nagtungo sa South Korea on a secret mission.

This explains kung bakit nasa cast din ang ilan sa mga K pop idols.

Samantala, obyus na form of lambing lang ang pang-ookray ni Jason kay Melai.

For her part, Melai only has nice words for the man she met during their Pinoy Big Brother days.

Sabi nga ni Melai, kung nagkataon daw na nakilala niya ito sa kanto’y imposibleng nagkatuluyan sila.

May hatid ding aliw factor ang pagiging isa sa mga hosts ni Melai sa IYLD.

Tawang-tawa kasi ang studio audience nang makipag-banter sa kanya si Francine Diaz.

Palusot ni Melai na aminadong bokya sa pag-iingles: “Mamaya na natin ‘yan pag-usapan, trabaho muna tayo!”

So much like the way she described her getting to star in Ma’am Chief: “One for the books or one of the books?” Ronnie Carrasco III

Previous articleJun Urbano, pumanaw na!
Next articleLizQuen, tahimik, 2022 pa nag-split!