Home ENTERTAINMENT Jun Urbano, pumanaw na!

Jun Urbano, pumanaw na!

Manila, Philippines – Pumanaw na ang beteranong aktor na si Manuel “Jun” Urbano o higit na kilala bilang Mr. Shooli.

Namaalam si Jun nitong December 2, Sabado, ayon sa Facebook post ng anak niyang si Banots Urbano.

He was 84.

No details about the cause of his death are available at presstime.

Pero bago ang kanyang pagpanaw, Jun was diagnosed to be suffering from chronic obstructive pulmonary disease o COPD.

Sumailalim din si Jun sa quintuple heart bypass noong 2018.

Naging tanyag si Jun sa political satire na Mongolian Barbecue bilang Mr. Shooli noong dekada otsenta.

Spanning his 40 years ay nakapagdirek siya ng humigit kumulang na 2,000 commercials.

Si Jun ay ang panganay na anak ng National Artist for Film na si Manuel Conde.

Post ng anak niyang si Banots sa FB: “I will cherish this moment for the rest of my life. I love you so much, dad, until we meet again.”

Nakikidalamhati ang Remate Online sa mga naulila ni Ginoong Jun Urbano. Ronnie Carrasco IiI

Previous articleLotto Draw Result as of | December 2, 2023
Next articleJason, inokray si Melai!