MANILA, Philippines- Magdudulot ng maulap na kalangitan ang Northeast Monsoon, o Amihan, sa Northern at Central Luzon ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.
Inaasahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora.
Nagbagbabadya naman ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” sa Ilocos Region, natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, at Central Luzon.
Inaasahan din sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dulot ng Easterlies.
Magdadala ang Shear Line ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan sa Quezon at Bicol Region.
Hanggang alas-2 ng madaling araw, sinabi ng PAGASA na “no Low Pressure Areas are being monitored for tropical cyclone formation.” RNT/SA