HINIHIKAYAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na gamitin ang electronic cash o e-cash sa halip na pisikal na perang papel o barya bilang “Aguinaldo”.
Nakaugalian na ngayon na imbes bumili ng mga regalo, salapi na mismo ang kadalasan nilalagay sa angpao o red envelope sa mga inaanak, kamag-anak, kaibigan, at sa mga pa premyo o raffle tuwing Kapaskuhan.
Binigyang-diin ng BSP na ang elektronikong pagpapadala ng cash gifts ay maginhawa at episyente maliban pa sa nagtataguyod ito ng isang mas digital at inklusibong ekonomiya ng bansa.
Sa tuwing sumasapit kasi ang Kapaskuhan, tumataas ang pangangailangan para sa bago at malinis na salaping papel at barya na ipinamimigay bilang regalong salapi. Kadalasan ang pinamimigay sa mga bata nakakahalaga ng Php 50 hanggang Php 1,000 depende sa budget.
Sabi pa ng BSP, maaaring magpapalit ng lumang salaping papel at barya sa bago at malinis na bersyon sa kanilang mga depository bank nang libre.
Hindi naman magkakaubusan ng bago at malinis na salaping papel at barya dahil patuloy itong gumagawa ng pisikal na pera.
Noong pumunta ang Inyong Agarang Serbisyo Lady sa ibang bansa tulad ng United States of America (USA), China, Hong Kong, at Japan. Nagulat ako ayaw nila tanggapin ang US dollar, Japanese Yen at renminbi o yuan na dala-dala ko. Napansin ko mga maliliit na tindahan at panaderya, ayaw talaga hindi tumatanggap ng cash o pera at credit card.
Gcash, Alipay o wechat ang kanilang mode of payment dahil wala raw silang panukli. Nagtanong ako kung bakit ayaw nilang tumanggap ng pera nila? Ang isa sa kanila kung bakit mas gusto nila ng e-cash ay dahil maiiwasan maholdap ang empleyado o kaya may short sa Sales report dahil may nagbabawas ng pera sa cash machine. Mayroon nagbabawas ng sales report.
Ang kagandahang sa e-cash, nalalaman kaagad ng employer kung magkano pumapasok na pera sa buong araw.