Home OPINION PARE MO AT PARE KO AY PAREÑO NA MAY PUSO AT MALASAKIT

PARE MO AT PARE KO AY PAREÑO NA MAY PUSO AT MALASAKIT

BUKOD kay Indang ABC President Kapitan Vergel “Action Man” Fidel na aking idolo sa pagtulong sa kapwa, nadagdagan pa ang aking hinahangaang tao. Siya ay si Kuya Jose Joezel Pareño na matulungin at mapagkawanggawa ring katulad ni Kap Vergel Fidel. Palibhasa ay taong simbahan kaya si Kuya Joezel ay likas na may puso at malasakit sa kapwa.

Kilala siyang NGO leader na kaanib at opisyales ng Kiwanis Club of Indang – Walang Tinag Indang, El Matador Eagles Club, at Mendez Nuñez Masonic Lodge # 8. Kaanib at leader din siya ng religious organization na Knights of Columbus – St. Gregory the Great Council 10548 Indang, at sakristan noong kabataan niya bilang kaanib ng Knights of the Altar. Noong high school at college days ay naging kaanib din siya ng kapatirang Gamma Kappa Rho.

Naging President naman siya ng Parents Teachers Association sa Cavite State University Laboratory Science High School ng dalawang taong termino noong 2016 – 2018 at Alumni President naman ng Perpetual Cavite Institute Batch 1988 mula 2013 hanggang kasalukuyan.

Samantala isa siyang mabuting anak sa kanyang ulirang Ina na 88 taong gulang na at isang mabuting kapamilya sa kanyang mga kapatid. Mabuti at tapat na esposo sa kanyang kabiyak at responsableng Tatay sa kanyang dalawang anak na binatilyo.

Negosyante at supplier siya ng bigas at ng kanilang sariling grocery na wholesale at delivery ang sistema ng paghahanap-buhay.

Datapwa’t sa kabila ng kanyang pagiging abala bilang NGO / religious leader at negosyante ay hindi rin niya nakakalimutan ang puso at malasakit sa kapwa sa pamamagitan nang pagtulong sa mga kapus-palad na kababayan sa Indang, Cavite at ibang lugar.

Lahat ng lumalapit sa kanya ay kanyang natutulungan sa abot ng kanyang makakaya at magagawa. Tumatak na sa mga Indangeños ang pangalang Kuya Joezel Pareño na namimigay ng aginaldo sa mga bata at mga pamilyang kapos-palad tuwing magpapasko.

Isa na sa pinakamalaking nagawa niyang gift giving ay noong Disyembre 2019 sa 625 pamilyang binigyan niya ng bigas at groceries na ginanap noon sa St. Gregory the Great Parish sa Indang, Cavite.

Tunay na may liwanag din ang buhay kay Kuya Joezel sa pagbibigay niya ng mga solar lights sa mga lugar at komunidad na madilim ‘pag gabi. Nakapagbigay siya ng solar lights sa Sitio Italaro sa Kayquit 3, Sitio Farmville sa Kayquit 1, Callejon sa Poblacion Cuatro at nakatakda sa mga susunod na araw ang pagbibigay din sa Sitio Ulo Cuatro sa Buna Cerca at Sitio Ibayo sa Poblacion Cuatro lahat ng ito ay sa Indang, Cavite.

Sapagkat matulungin sa kapwa ay marami ang nag-udyok sa kanyang sumubok sa larangan ng pulitika. Kaya naman katulad ni “Action Man” Fidel na kumakandidatong Mayor ng Indang, Cavite ay itong si Pareño naman ay kumakandidato namang Councilor ng Indang Cavite bilang Independent.

Magiging slogan niya sa paparating na kampanya ang “Jose Joezel Pareño…Ang Pare Mo at Ang Pare Ko ay Ang Pareño na May Puso at Malasakit.” Wika ni Kuya Joezel Pareño sa aking maikling panayam sa kanya, “Paps Rex ang masasabi ko ngayong kapaskuhan ay kung ang gobyerno ay may 4Ps, ay mayroon namang 5Ps ang tunay na diwa at mensahe ng Pasko 2024 dito sa ating bayan ng Indang, ito ay ang Pagmamahalan, Pagkakaisa, Pagpapatawad, Pagbibigayan at ang panglima ay Pareño na may puso at malasakit.”