Home NATIONWIDE Amihan, shearline magpapaulan sa Luzon

Amihan, shearline magpapaulan sa Luzon

296
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa shear line at hilagang-silangang hangin o “amihan,” ayon sa 4 a.m. advisory ng PAGASA nitong Miyerkules.

Apektado ng shear line ang silangang bahagi ng Gitnang Luzon, na nagdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat at pagkulog sa Cagayan, Isabela, Quirino at Aurora.

Binalaan ng awtoridad na ang katamtaman hanggang malakas na ulan ay maaaring magdulot ng flash flood o landslide sa mabababang lugar at kabundukan.

Nagpapaulan din ang “amihan” sa Cordillera Administrative Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, na may maulap na papawirin at banayad hanggang katamtamang ulan na minsan ay maaaring maging malakas.

Posible rin ang flash flood o landslide. Sa Ilocos Region, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan.

Maaaring makaranas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng pulu-pulong pag-ulan o thunderstorm dahil sa localized thunderstorms, na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha o landslide.

Katamtaman hanggang malakas na hanging amihan at katamtaman hanggang maalon na dagat ang mararanasan sa Luzon, habang banayad hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang pag-alon ang mararanasan sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ng PAGASA na wala silang binabantayang low pressure area. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here