Home NATIONWIDE Amihan, shearline makaaapekto sa Luzon, Visayas

Amihan, shearline makaaapekto sa Luzon, Visayas

MANILA, Philippines – Ang Northeast Monsoon (amihan) ay magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Luzon, habang maaapektuhan ng Shear Line ang silangang bahagi ng Visayas, ayon sa PAGASA.

Ang Visayas, Caraga, Sorsogon, at Masbate ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang Cagayan Valley, Apayao, Aurora, Quezon, at Bicol ay makakaranas din ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan dahil sa amihan.

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang ulan na walang malaking epekto. Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan.

Malalakas na hangin at maalon na dagat ang mararanasan sa Hilagang Luzon at silangang Visayas, habang katamtaman hanggang banayad na hangin naman sa ibang bahagi ng bansa. RNT