Manila, Philippines- Itinanggi ni Amy Perez ang balitang hanggang December na lang ang “It’s Showtime.”
“Naku, hindi naman,” pahayag ni Amy nu’ng makorner namin sa thanksgiving mediacon ng DWPM Radyo 630.
Maugong pa rin kasi na pinag-uusapan sa loob at labas ng showbiz if true na mawawala na sa ere ang Kapamilya noontime show this year.
Isa si Amy sa hosts ng “It’s Showtime” na 15 years nang umeere sa free TV and then, napanood na rin sa online.
“Wala po akong alam d’yan,” tanggi ni Amy. “Tanungin po natin sa mga boss. Kami naman ay sundalo lang na tagasunod kung saan kami dadalhin ng panahon, ‘di ba? Pero wala naman akong narinig na ganoong mga bali-balita.”
Wala raw nakarating na information sa kanya tungkol sa pagtatapos ng “It’s Showtime.” At wala rin daw napapag-usapan.
Pero may mensahe si Amy sa mga nagkakalat ng tsikang mawawala na ang “It’s Showtime.”
“Hayaan natin sila. May mga ibang tao talaga na ayaw nila ng good news. Ayaw nila ng positivity. So, hayaan na natin sila,” lahad ni Amy.
Ayon pa kay Amy, hindi naman daw siya kinabahan sa balitang nakarating sa kanya about “It’s Showtime.”
Say niya, “Oo, secured naman ako. At nagpapasalamat ako sa asawa ko na pinapayagan pa niya ako na magtrabaho sa edad kong ito, ‘di ba?”
Anyway, mapapanood ang programa ni Amy sa Radyo 630, ang “Ako ‘To, si Tyang Amy,’ mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-tres nang hapon.
Ang public service sa “Ako ‘To, Si Tyang Amy” ay every Mondays, Tuesdays and Thursdays. Pag Wednesday ay meron silang segment na ‘Ano’ng Feels Mo’ at pag Biyernes naman ay may drama presentation na tinawag nilang ‘Tyang Amy Presents.’ Julie Bonifacio